‘Nabuang ka na day’: Binay, Cayetano nagsabong!

Nag-walk out si Senator Nancy Binay sa pag dinig ng Senate Committee on Accounts patungkol sa New Senate building, matapos silang magkainitan at magkasagutan ni Senator Alan Peter Cayetano.

Nag-walk out si Senator Nancy Binay sa pag dinig ng Senate Committee on Accounts patungkol sa New Senate building, matapos silang magkainitan at magkasagutan ni Senator Alan Peter Cayetano.

Pinagtatalunan ng dalawang senador ang budget ng ipinapatayong bagong senate building.

Nanindigan si Senator Binay na hindi aabot sa P23 bilyon ang halaga ng construction cost gaya ng naunang sinabi nina Senate President Chiz Escudero at Cayetano, kundi P21 bilyon lang.

“Do your math. P21 is not P23. Mr. Chairman, pareho ba ang P21 [billion] at P23 [billion]? ” ani Binay.

Matapos na hindi magkasundo, nag walk out ang senadora na sinabihan namang “nabuang ka na day” ni Senator Cayetano.

“Nabuang ka na day, tapusin natin ng maayos to, senado ito ng Pilipinas hindi ito palengke.” sabi ni Cayetano.

PANOORIN: