Nabawasan ang tulis sa ‘di inaasahang pagkakataon: Pulis, aksidenteng nabaril ang maselang bahagi sa isang aksidente

Magsi-CR lamang sana ang biktima nang malaglag at aksidenteng pumutok ang baril nito, at ang napuruhan pa ay ang maselang bahagi ng katawan.

Aksidenteng nabaril ng isang pulis sa Alabel, Sarangani ang maselang bahagi ng kaniyang katawan matapos malaglag at pumutok ang dala nitong baril.

Ayon kay Capt. Jonie Ocampo, Deputy Chief ng Alabel Municipal Police Station, magbabanyo lamang sana ang biktima nang mangyari ang insidente.

“Mag-attempt sana siya ng personal necessity niya ‘yun na ang nangyari, aksidente na… Loaded ang iyahang baril. Sa glock man gud quick response, so wala siyang safety. Ang safety niya is nasa trigger. Pag loaded siya kapag babagsak siya, puputok yung glock,” paliwanag ni Ocampo.

Mabuti na lamang at naisugod agad sa ospital ang biktima, na stable na ayon sa mga ulat.

Kanya naman pinaalalahanan ni Ocampo ang mga kapwa niya pulis na mag doble ingat sa kanilang mga armas upang maiwasan ang mga aksidente.