Nabahag sa DNA test? Magulang ni Alice Guo tumakas na – Gatchalian

Imposible nang sumailalim sa DNA Test si Bamban Mayor Alice Guo dahil umiskapo na sa bansa si Lin Wen Yi na siya umanong biological mother ng mayora, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Imposible nang sumailalim sa DNA Test si Bamban Mayor Alice Guo dahil umiskapo na sa bansa si Lin Wen Yi na siya umanong biological mother ng mayora, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, inulat ng Bureau of Immigration (BI) na tuluyang nang umalis ng bansa si Lin Wen Yi, kasama ang ama ng mayora na si Guo Jan Jong.

“[The DNA] is not possible for now, because according to the Bureau of Immigration, Lin Wen Yi and Jian Zhong Guo are no longer in the Philippines. They already flew to another country so we can’t find them here,” sabi ni Gatchalian.

Aniya, ang pinakamagandang paraan upang matuldukan ang mga tanong sa citizenship ni Guo ay ang pagsasagawa ng DNA test.

Dahil mataas ang tsansa na hindi na bumalik ng bansa ang mga sinasabing tao, malabo nang mapatunayan kung Pilipino nga ba ang tunay na magulang ng alkalde.

“First of all, these two are Chinese nationals so they can really go back to China anytime and opt not to return here. If that happens, we no longer have a chance to prove that these two are Mayor Alice’s parents… for now Lin Wen Yi is no longer in the country so it would be difficult for us to demand a DNA test,” dagdag niya.

Ilang beses nang sinabi ni Guo na siya ay love child ng kanyang ama sa kasambahay nito na si Amelia Leal.

Nitong nagdaang linggo, inugnay ni Senator Risa Hontiveros si Guo sa isang Lin Wen Yi na isa raw sa mga incorporator ni Guo sa kanyang mga negosyo.