Na naman? Barko ng ‘Pinas binomba ng water cannon ng China

Muli na namang naghasik ng karahasan sa West Philippine Sea (WPS) ang China ngayong Martes, kung saan binomba ng kanilang mga barko ang isang sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Muli na namang naghasik ng karahasan sa West Philippine Sea (WPS) ang China ngayong Martes, kung saan binomba ng kanilang mga barko ang isang sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Kwento ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nasa gitna ng resupply mission ang ilang sasakyang pandagat ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang umeksena ang ilang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at ilang maritime militia.

Binomba umano ng water cannon ng China ang BRP Bankaw malapit sa Bajo de Masinloc, na ikinasira ng canopy at railing nito.

“This damage serves as evidence of the forceful water pressure used by the China Coast Guard in their harassment of the Philippine vessels,” wika ni Tarriela.

Sa kabila ng insidente, nairaos ng PCG at BFAR ang resupply mission sa mga mangingisdang Pinoy.

“Despite the harassment and provocative actions of the Chinese Coast Guard, both the PCG and BFAR vessels stood their ground and continued their maritime patrol. They were not deterred and will persist in carrying out their legitimate operations to support Filipino fishermen and ensure their safety,” dagdag ni Tarriela.

Bukod sa pambobomba ng tubig, naglagay rin ang China ng harang sa paligid ng Bajo de Masinloc upang ‘di makapasok ang mga mangingisda.