Na-miss tumakbo? Bong Revilla sumailalim sa Achilles tendon rehab

Kasalukuyang sumasailalim sa physical therapy para sa kanyang Achilles tendon rehabilitation si Senator Bong Revilla.

Kasalukuyang sumasailalim sa physical therapy para sa kanyang Achilles tendon rehabilitation si Senator Bong Revilla.

Ibinahagi ni Revilla sa kanyang Facebook live nitong Lunes ang ilang mga exercises na kanyang ginagawa upang mapalakas ang mga muscles malapit sa litid sa kanyang sakong.

Makikita rin sa video na saklay saklay ang senador ng isang orthopedic boot.

Kakailanganin ng ilang buwan bago matapos ang rehabilitasyon ni Revilla ngunit positibo naman ang senador na unti-unti ay makakabawi siya mula sa injury.

“Konting tiis na lang at gagaling na din ito. Ten more months to full recovery. Laban lang!” sabi ni Revilla.

Matatandaang nag-file ng medical leave si Revilla sa Senado upang makarekober at maipahinga ang namamagang Achilles tendon na sumailalim sa operasyon matapos mapunit mula sa shooting nitong Abril ng taon.

PANOORIN: