Na-lindol 3 times a day! Masbate, tinamaan ng lindol ng tatlong beses

Niyanig ng tatlong lindol ang probinsya ng Masbate nitong Linggo, Setyembre 24, at naramdaman ang mga ito sa Intensity 2 hanggang 4.

Tatlong magkakasunod na lindol ang yumanig sa probinsiya ng Masbate nitong Linggo ng umaga, Setyembre 24.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang unang lindol ay naganap nang 6:21 a.m at may magnitude na 4.7. Ang epicenter naman nito ay 13 kilometro sa hilaga ng Masbate City.

Ang ikalawang lindol naman ay naganap nang 6:40 a.m. at may magnitude 3.9. Ang epicenter nito ay 12 kilometro sa hilaga muli ng Masbate City.

Ang ikatlong lindol ay naganap nang 7:07 a.m. at may magnitude 3.2. Ang epicenter nito ay 14 kilometro sa hilaga muli ng Masbate City.

Batay sa mga ulat, ramdam sa Intensity 4 sa Masbate City at San Fernando town ang unang lindol, samantalang Intensity 3 and Intensity 2 naman sa ibang mga lugar.

Ramdam naman sa Intensity 3 at Intensity 2 sa iba’t ibang lugar sa Masbate ang ikalawa at ikatlong lindol.