Na-highblood! Food vlogger tigok sa pag-mukbang sa ulo ng baka

Nasawi ang isang content creator at food vlogger matapos lapangin mag-isa ang ulo ng baka.

Nasawi ang isang content creator at food vlogger matapos lapangin mag-isa ang ulo ng baka.

Tubong taga-Iligan City, kinilala ang content creator na si Dongz Apatan na mahilig sa mag-mukbang ng mga putok batok na pagkain tulad ng mga lamang dagat at iba pang matataba at mataas sa cholesterol na pagkain.

Kwento ng kapatid nitong si Leah, umalis ng bahay ang biktima matapos ang pagmukbang nito sa pinalambot na ulo ng baka at pagka-tanghali ay nakatanggap sila ng tawag na inatake na ito sa puso.

Nadatnan pa ng mga kaanak ang content creator sa hospital.

Sumailalim sa iba’t ibang test si Apatan bago bawian ng buhay at napag-alamang may namuong dugo ito sa utak.