MWSS, handang magbigay-ulat sa Korte Suprema tungkol sa Manila Bay rehab

Nangako ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na susundin nito ang utos ng Korte Suprema na magbigay ng ulat tungkol sa Manila Bay sa gaganpin na oral arguments ng kaso.

Nangako ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na susundin nito ang utos ng Korte Suprema na magbigay ng ulat tungkol sa Manila Bay sa gaganpin na oral arguments ng kaso.

“We have to look on the SC order, and we will definitely comply on the order of the Supreme Court,” sinabi ni MWSS spokesperson Patrick Dizon sa GMA News Online.

“MWSS is regularly submitting report to SC (every quarter) of our projects and their accomplishments,” dagdag pa ni Dizon.

Kamakailan, ipinagutos ng Korte Suprema sa mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng ulat sa oral arguments tungkol sa estado ng polusyon sa Manila Bay, mga hakbang na ginagawa laban dito, mga kasalukuyang reclamation projects, at ang environmental impact nito.

Sa nakalipas na en banc session, nagpasya ang korte na magdaos ng oral arguments sa kaso ng
Metropolitan Manila Development Authority, et al. laban sa Concerned Residents of Manila Bay, et al. at Akbayan Citizen’s Action Party.

Ipinaguulat ng korte ang mga sumusunod na punto:

-batayan o benchmark ng polusyon sa Manila Bay
-kasalukuyang mga estratihiya na ipinatutupad sa pag-lilinis nito, pagrehabilitate at preserba ng Manila Bay, at pagsasabalik ng kalidad nito sa antas na maaaring payagan ang paglangoy doon.
-realistic na mga target sa loob ng susunod na limang taon.
-ongoing na reclamation project at mga environment impact assessment nito.

Maliban sa MWSS, inutusan rin ng Korte Suprema ang mga sumusunod na ahensiya:

The concerned agencies were ordered to report on: the Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Department of Health, Department of Agriculture, Department of Public Works and Highways, Department of Budget and Management, Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Maritime Group, Department of the Interior and Local Government, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.