Murang pabahay ni PBBM sa Legazpi, Albay, sisimulan na

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony sa Brgy. Homapon sa Legazpi, Albay para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) project nitong Biyernes.

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony sa Brgy. Homapon sa Legazpi, Albay para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) project nitong Biyernes.

Ito’y batay sa kautustan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gawing flagship program ng kanyang administrasyon ang 4PH para masolusyunan ang backlog pagdating sa murang pabahay.

Nanguna ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at local government unit ng Legazpi, pati ang Pag-IBIG para sa groundbreaking ceremony ng 4PH sa Brgy. Homapon.

Sinisiguro na nakabantay ang DHSUD sa naturang proyekto hanggang sa matapos ito.

“Kasabay ng pagtatayo ng matitibay na tahanan ay ang pagkakaroon ng magandang pamayanan,” ayon kay DHSUD Undersecretary Engr. Emmanuel Pineda.

Inaasahan na makatulong ang 4PH para mabawasan ang 12,000 housing backlog sa Legazpi, Albay.