MUPH tinanggi tinakasan bayarin sa trophy designer

Mariing tinututulan ng Miss Universe Philippines (MUPh) Organization ang mga paratang ni Jef Albea, ang gumawa ng mga trophies para sa pageant, na hindi siya nabayaran para sa kanyang trabaho.

Mariing tinututulan ng Miss Universe Philippines (MUPh) Organization ang mga paratang ni Jef Albea, ang gumawa ng mga trophies para sa pageant, na hindi siya nabayaran para sa kanyang trabaho.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Miss Universe Philippines (MUPh) Organization sa kanilang social media pages bilang tugon sa reklamo ni Jef Albea. Ayon sa MUPh, ang mga alegasyon ni Albea ay walang katotohanan at lahat ng obligasyon ng organisasyon sa kanya ay natugunan at nabayaran nang tama at sa tamang oras.

“The Miss Universe Philippines Organization vehemently denies the unfounded allegations made by Jef Albea regarding the payment for the trophies he supplied. Contrary to his claims, we have had communications with his staff on this matter,” pagppabulan ng organisasyon.

Ayon sa MUPh, kanilang kina-“categorically deny” ang mga paratang ni Albea tungkol sa pagrerehas o pag-iignore ng pagbabayad para sa mga trophies.

“In accordance with the standard procedure of billing for suppliers to sponsors, MUPh needs proper documentation for the said transaction,” dagdag ng MUPh

Sinabi ni Borg Roxas, Project Head ng Miss Universe Philippines at Account Manager ng Empire Philippines, na agad na nabayaran si Jef ng 150,000 pesos sa finals ng Miss Universe Philippines noong 2023 ngunit hindi siya nagbigay ng opisyal na resibo.

Dahil sa kaguluhan backstage, hindi kaagad nabayaran si Jef. Kailangan din nila ng tamang documentation tulad ng mga billing statement.

“Magulo na lahat backstage and wala naman may hawak ng cash. So sinabi namin na kailangan proper documentation like billing etc.,” sabi ni Borg.

Ibinunyag din ni Borg na hindi totoo ang sinabi ni Jef na ang production ay nag-‘vanished” o nawala. Sinabi niya na kailangan nilang mag-submit ng tamang papeles at walang tinatakasan.

“Kailangan din namin sa production mag-submit ng tamang papeles kasi walang kasulatan with Sir Jef sa terms. Pero kahit ganun man, wala naman tinatakasan. Pero yung tatakasan ang 75k, bakit namin gagawin yun eh last October binayaran namin sya.”

Pinaninindigan ng MUPh Organization ang kanilang integridad at tinitiyak na lahat ng kanilang transaksyon ay isinasagawa nang maayos at naaayon sa kasunduan.

Samantala, sinabi rin nila na hindi sila mag-aalinlangan “to pursue legal action to address and resolve this unfounded accusation.”

TINGNAN: