MUP pension reform, lusot na! Romualdez: Repaso sa sistema, nalalapit na

Pasado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 8969, isang consolidated bill na aayusin ang pensiyon ng military at uniformed personnel (MUP) ng bansa.

Pasado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 8969, isang consolidated bill na aayusin ang pensiyon ng military at uniformed personnel (MUP) ng bansa.

“This landmark legislation demonstrates our unwavering commitment to the men and women in uniform, who risk their lives daily to maintain peace and order. It provides a robust, sustainable, and fair pension system that recognizes their invaluable service to our nation,” saad ni House Speaker Martin Romualdez sa isang pahayag matapos maipasa ang consolidated bill nitong Martes, Setyembre 26.

Ayon kay Romualdez, na isa sa mga principal authors ng HBN 8969, layon ng panukalang ito na ayusin ang sistema nang pagbibgay ng monthly pension at iba pang mga benepisyo sa MUP at siguraduhing patas at feasible ito para sa mga benepisyaryo, sa pamahalaan, at maging sa sambayanang Pilipino, na siyang nagbibigay ng pondo para sa nasabing benepisyo sa pamamagitan nga mga buwis na binabayaran nito.

“With this reform, we’re not only prioritizing the well-being of our MUP but also ensuring the country’s economic stability. It is a testament to our commitment to national security and fiscal responsibility,” paliwanag ni Romualdez.