Mundo ni Teves pinapaliit ng DOJ!

Paliit na nang paliit ang mundo ni dating Congressman Arnulfo Teves, Jr. na tinuturong mastermind ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa.

Paliit na nang paliit ang mundo ni dating Congressman Arnulfo Teves, Jr. na tinuturong mastermind ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa.

Ito ay matapos maglabas ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) ng dalawang Alertlist Orders laban sa dating kongresista.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, ang Alertlist Orders ay inilabas upang opisyal na hingin ang tulong ng international law enforcement at pahintulutan ang Immigration agents na hulihin si Teves kung ito ay mamataan sa mga entry/exit ports ng ba bansa.

“The DOJ assures that all individuals are held accountable for their actions, regardless of their position or influence,” ani Remulla sa isang pahayag.

Paliwanag niya, ang Alerlist Orders ay alinsunod sa warrant laban kay Teves na inilabas noong Sept. 5, 2023 at ng Interpol Blue Notice na isinapubliko naman noong Feb. 19, 2024

“Teves cannot escape the long arm of the law,” giit ni Remulla.