MRT, LRT handog libreng sakay sa Independence Day

Magkakaroon ng libreng sakay ang mga commuter ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sa June 12 bilang paggunita sa Independence Day.

Magkakaroon ng libreng sakay ang mga commuter ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sa June 12 bilang paggunita sa Independence Day.

Ang libreng sakay ay mangyayari alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

β€œAng Libreng Sakay ay simpleng paraan ng DOTr (Department of Transportation) at MRT-3 upang gunitain ang Araw ng Kalayaan na isang napakahalagang okasyon sa ating pagkabansa,” ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino.

Para sa mga may Beep card, i-tap lang ang kanilang mga card sa Automated Fare Collection System gate at wala itong magiging bawas sa kanilang mga load.

Para naman sa mga walang Beep card, maaaring kunin ang mga libreng single journey ticket sa mga teller booth.