‘Mr. Rice’ Romualdez namahagi ng bigas, cash assistance sa Leyte

Nakatanggang ang nasa 8,000 na kwalipikadong residente ng Leyte ng rice at cash assistance, mula sa programa ni House Speaker Martin Romualdez.

Nakatanggang ang nasa 8,000 na kwalipikadong residente ng Leyte ng rice at cash assistance, mula sa programa ni House Speaker Martin Romualdez.

Ngayong Hunyo 29, personal na inabot ni Romualdez ang nasa P5,000 na tulong sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) program at the Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth) program.

Sinabi ni Romualdez na patuloy sila sa pagsisigurado na lahat ng humihingi ng tulong ay mapapakinggan. Ito ay ayon umano sa uto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Tuloy-tuloy po ang ating tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda mula sa vulnerable sectors at sa ating mga college students. Kayo po ang ibinilin ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Kongreso na tulungan at siguruhin ang kapakanan sa panahong ito,” saad nito.

“Dito natin ipinadadama ang kalinga ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., at inilalapit ang serbisyo ng gobyerno para doon sa mga kailangan ng tulong. Saang sulok man kayo ng Pilipinas, aabutin namin kayo,” dagdag pa nito.

Si Romualdez ay muling kakandidato bilang kinatawan ng 1st district ng Leyte, na hawak niya ngayon sa Kamara de Representantes, sa 2025 election.