MPBL target upuan sa Kamara sa 2025

Tatakbo sa party-list race sa 2025 ang dating batikang PBA player na si Kenneth Duremdes gamit ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), grupong pinamumunuan ng mga kaibigan ni dating senador Manny Pacquiao.

Tatakbo sa party-list race sa 2025 ang dating batikang PBA player na si Kenneth Duremdes gamit ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), grupong pinamumunuan ng mga kaibigan ni dating senador Manny Pacquiao.

Ayon sa isang dokumentong nakita ng Politiko, nagsumite ng petisyon sa pagpaparehistro bilang isang party-list ang Maharlikang Pilipino sa Bagong Lipunan (MPBL) na nakatakdang pag-usapan kasama ang Commission on Elections sa May 29.

Ika-apat na representante ng MPBL si Duremdes. Habang ang presidente ng grupo na si Ronald Munsayac ang first nominee ng party-list, na sinundan ng kanilang secretary na si Nicolas Enciso III. Nasa ikatlong pagpipilian si Sarangani Vice Governor Elmer De Peralta, at ikalima naman ang legal counsel at business partner ni Pacquiao na si Brando Viernesto.

Matatandaang si Munsayac ang kasalukuyang spokesperson at executive director ng PDP-Laban faction na sumuporta sa presidential bid ni Pacquiao noong 2022, habang si Enciso naman ang dating first nominee ng Bicol Saro party-list.

Sinabi ng MPBL group na naging malaking ‘political organization’ ang grupo na may focus sa kapakanan ng mga indigenous people simula nang itinatag ito noong September 2021.