Movie Queens Nora, Sharon, Maricel, at Vilma, magrarambol sa 40th PMPC Star Awards!

Ang apat na legendary na movie queens ng Pilipinas ni sina Superstar na si Nora Aunor, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, ang Megastar na si Sharon Cuneta, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano, ay magkakasabay na nominado sa Best Actress category!

Ang apat na legendary na movie queens ng Pilipinas ni sina Superstar na si Nora Aunor, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, ang Megastar na si Sharon Cuneta, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano, ay magkakasabay na nominado sa Best Actress category!

Ito ang unang beses na mangyayari sa 40 taon ng Star Awards na magkakaroon ng ganitong matindi at matunog na laban para sa nasabing kategorya.

Bukod sa apat na movie queens, may pa-Gina Alajar (Monday First Screening) , Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind) din na nominado ng Best Actress award.

Matindi rin ang bakbakan sa Best Actor na kategorya kung saan nominado sina Christopher De Leon, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Coco Martin, Alden Richards, at iba pa ang magpapasiklaban sa naturang parangal.

Bukod sa aabangang magwawagi sa iba’t ibang kategorya, espesyal ang selebrasyon na ito ng PMPC ng ika-40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies kaya naman bilang bahagi nito, apat na tinitingalang mga artista ang pararangalan ng Dekada Awards:

– Superstar Nora Aunor

– Premier Actor Christopher De Leon

– Primetime King Piolo Pascual

– Star for All Seasons Vilma Santos

Napiling makatanggap ng naturang parangal ang apat na veteran artists dahil sa kanilang napakaraming natatanging acting awards na natamasa sa loob ng 40 taon ng Star Awards. Ito ang pinakamalaking pagkilala sa kanilang mga natatanging kontribusyon at legacy sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Bukod sa Dekada Awards, may dalawang Lifetime Achievement Awards din ang igagawad sa dalawang malaking pillar ng showbiz – kay Liza Lorena bilang Nora Aunor Ulirang Artista, at kay Vic del Rosario Jr. bilang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.

Samantala, aawarding din ng Takilya King at Queen ang PMPC kina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa napakalaking tagumpay at record-breaking box-office performance ng kanilang pelikulang Rewind.

May natatanging parangal din para kay veteran columnist at dati nang PMPC President na si Ronald Constantino. Siya ang tatanggap ng Ethel Ramos Dean’s Lister Award para sa malaking ambag niya sa organisasyon at sa buong industriya.

Ang buong programa ng 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng PMPC sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Rodel Ocampo Fernardo. Kasama rin ngayong taon ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard, at ang awards night ay ididirehe ni Maribeth Bichara.