Motorsiklo na nag-counterflow sa Skyway dedo nang sumalpok sa sasakyan

Nasawi ang nagmamaneho ng motorsiklo matapos itong sumalpok sa isang sasakyan sa Skyway Stage 3 sa Quezon City.

Nasawi ang nagmamaneho ng motorsiklo matapos itong sumalpok sa isang sasakyan sa Skyway Stage 3 sa Quezon City.

Huli sa isang dashcam footage ang pag-counterflow ng motor sa Balintawak Skyway kung saan nangyari ang aksidente.

Base sa ulat ng Skyway Corp., sinubukang pigilan ng mga traffic enforcer ang rider subalit nilagpasan umano nito at mabilis na humarurot.

Sa lakas ng pagkakabunggo ay tumalsik ang driver ng motor, na walang suot na helmet.

Agad namang isinugod sa ospital ang lalaki subalit kalaunan ay nawalan din ito ng buhay.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lango sa alak ang rider.