Motoristang graduating student, todas nang bumangga sa bus

Nasawi ang isang motoristang graduating student matapos itong bumangga sa isang bus sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Nasawi ang isang motoristang graduating student matapos itong bumangga sa isang bus sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Biyernes ng umaga nangyari ang insidente sa kalsada sa Brgy. 22 ng naturang munisipalidad.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinubukan umano ng 22-anyos na estudyante na um-overtake sa isang sasakyan.

Ngunit nadisgrasya ito nang masalpok sa gilid na bahagi ng bus.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit dineklara na itong dead on arrival.

Batay sa pamilya ng nasawing lalaki, patapos na sana ito sa kursong Criminology ngayong taon.

Samantala, handa naman ang driver ng bus na makipag-settle sa pamilya ng nasawing estudyante.