‘More than numbers’ ito: P5.768-trilyong national budget, pirmado na ni PBBM

Gaya ng una nang ipinangako ng pangulo, napirmahan na ang P5.786-trilyong national budget, na aniya't makatutulong sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules, Disyembre 20, ang 2024 General Appropriations Act (GAA) na naglalaman ng P5.768-trilyong budget para sa 2024. Partikular na layon nito na pondohan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan upang mas lalong mapabilis pa ang pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

“Although it is teeming with numbers, this budget is more than a spreadsheet of amounts, or a ledger of projects. Rather, it details our battle plan in fighting poverty and combating illiteracy, in producing food and ending hunger, in protecting our homes and securing our border, treating the sick, keeping our people healthy, creating jobs, and funding livelihoods,” paliwanag nig pangulo sa kaniyang talumpati sa seremonya ng pagpirma nito sa Republic Act (RA) 11975.

BASAHIN RIN: Pirmado na ang GAB bago mag-Pasko: PBBM, tiniyak na pipirmahan agad ang P5.768-trilyong national budget

“It is wrong to say that the budget merely pays for the overhead of the bureaucracy. It is more than that. It funds the elimination of problems that we as a nation must overcome. It is incorrect to say that the budget merely finances the operations of government because its fine print bankrolls the realization of our dreams writ large,” dagdag pa ni Marcos.

Ayon pa sa pangulo, makatutulong ang naturang budget sa pagpapaganda ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. Kanya naman pinaalalahanan rin ni Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang mga alokasyon nila “for the correct purposes, the right way, on time, and on budget.”