Modernong sistema ng agrikultura sa bansa, magdudulot ng food at nutrition security para sa lahat ng Pilipino—PBBM

Hindi ito ang unang pagkakataaon na binigyang-diin ng pangulo ang kahalagaan ng modernisasyon ng agri-fisheries industry. Aniya, ito ay makatutulong hindi lang sa food security ng bansa, kundi pati na rin sa pagtataas ng kaledad ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagaan ng agarang modernisasyon ng sector ng agrikultura at pangingisda, na aniya’y makakatulong na gawing “food- and nutrition-secure” ang bansa.

“This administration is steering the growth of our fisheries and farming industries with urgency,” he said, noting that the Department of Agriculture (DA) has allocated P4.73 billion as an investment for the large-scale agriculture and fishery mechanization and modernization,” paliwanag ng pangulo sa ika-70 anibersaryo ng pagtatag ng Federation of Free Farmers (FFF) na ginanap sa Salvador Escudero Hall ng National Meat Inspection Service sa Quezon City nitong Miyerkules, Oktubre 25.

Kumpiyansa sa Marcos, na siya ring DA secretary, na matutuloy ang modernisasyon ng agri-fisheries industry dahil sa P85.88 bilyon na inilaan dito para sa 2023 at P92.4 bilyon para sa 2024.

“In line with that collective mission, I wish to reaffirm one of the top priorities of this administration, which is the enhancement of our agricultural productivity, the guarantee of our food supply, the affordability of our food supply, and our lessening dependence on importation,” dagdag pa ni Marcos.

Ang modernisasyon rin aniya ang makatutulong para itaas ang kaledad ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda ng bansa.