Misteryosong pagkamatay ng 15 kambing, palaisipan sa Masbate

Balot ng misteryo ang halos sabay-sabay na pagkamatay ng nasa 15 kambing sa iba't-ibang parte ng Masbate.

Balot ng misteryo ang halos sabay-sabay na pagkamatay ng nasa 15 kambing sa iba’t-ibang parte ng Masbate.

Ayon sa ulat, natagpuang wasak ang lamang loob ng mga kambing at tila sinipsip ang dugo.

Lima sa mga namatay na kambing ay pagmamay-ari ni Monica Gallarde, residente ng Barangay San Rafael sa bayan ng San Pascual. Sampo pang mga kambing ang natagpuang patay sa iba pang parte ng lalawigan.

Palaisipan pa rin sa mga residente ang sanhi ng pagkamatay ng mga hayop.

Bukas naman ang pulisya na imbestigahan ang pangyayari.

Nitong Pebrero, naiulat sa bayan ng Barili, Cebu na walong kambing ang natagpuang patay na may mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan. Ayon sa ilang saksi, nakita nila ang ilang aso na umaaligid sa lugar kung saan napatay ang mga kambing.