Mission accomplished! Pangakong P14.5-bilyong pamumuhunan at P169-bilyong ‘actualized investments,’ inuwi ni PBBM mula Japan

Inuwi rin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang halagang P169-bilyong pamumuhunang matutuloy na. Ito ay mula sa higit 20 kumpanyang una nang nangako sa Pangulo na mamumuhunan sa bansa noong bumisita ito sa Japan nitong Pebrero lamang.

Halagang P14.5 bilyong pangako puhunan ang iuuwi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pag-uwi sa bansa matapos nitong dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, ang nasabing mga investment commitment ay galing sa isang pagpupulong na inorganisa mismo ng Department of Trade and Industry (DTI).

BASAHIN RINNagbubunga na agad ang byahe: 5 kasunduang pangnegosyo, pinirmahan ni PBBM sa Japan

 

Mag-uuwi rin ang pangulo ng halagang P169-bilyong “actualized investments,” o mga pamumuhunang matutuloy na.

Ito ay mula sa higit 20 kumpanyang una nang nangako kay Marcos na mamumuhunan sa bansa noong bumisita ito sa Japan nitong Pebrero lamang.

“I am delighted to know that the letters of intent signed last February 2023 and those signed today now aggregate PHP771.6 billion or about $14 billion in pledges from Japanese investors—expected to generate approximately 40,000 jobs,” anunsiyo ni Marcos nitong Lunes, Disyembre 18.

Ayon kay Marcos, ang mga nasabing investment ay sasaklaw sa iba’t ibang larangan, kabilang ang paggawa ng semiconductor, healthcare, imprastraktura, at agrikultura.