Mission accomplished ang delegasyon ni Speaker! MIF, napansin ng international community sa WEF — Romualdez

Tagumpay na ipinakilala ng delegasyon ni House Speaker Martin Romualdez ang Maharlika Investment Fund sa iba’t ibang bansa sa World Economic Forum (WEF) 2024 Annual Meeting sa Davos, Switzerland.

Tagumpay na ipinakilala ng delegasyon ni House Speaker Martin Romualdez ang Maharlika Investment Fund sa iba’t ibang bansa sa World Economic Forum (WEF) 2024 Annual Meeting sa Davos, Switzerland.

Iyan ay ayon mismo kay Romualdez, na pinangunahan ang Pilipinas sa pulong ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa at mga prominenteng negosyante.

Makatutulong rin aniya ang tagumpay ng delegasyon upang maging matagumpay rin ang WEF CEO Roundtable na pangangasiwaan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Marso dito sa bansa.

“The interest in the MIF and the Philippines we have generated through our various engagements in the forum augurs well for the success of the WEF CEO Roundtable that President Ferdinand R. Marcos, Jr. will host in Manila on March 18 to 19,” ani Romualdez sa isang pahayag.

Kaya naman pinasalamatan niya ang mga kasama sa delegasyon.

“I am grateful for the invaluable contributions of each member of the Philippine delegation to this year’s WEF meet which enabled us to make significant inroads in focusing international attention on the MIF and the bright prospects for investing in the Philippines,” aniya.