Missing pa rin ang beauty queen! Drayber ng suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, sumuko na

Huling nakita sa Batangas ang beauty queen na si Catherine Camilon noon pang Oktubre, subalit hanggang ngayon ay wala pang ideya ang mga awtoridad kung nasaan siya o kung buhay pa.

Boluntaryong sumuko ang drayber ng pulis na si Maj. Allan de Castro, na siya namang pangunahing suspek sa pagkawala ni Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon noon pang Oktubre.

Ayon kay Maj. Domingo Ballesteros, pansamantalang hepe ng Balayan police sa Batangas, nagpunta ng personal sa tanggapin nila si Jeffrey Magpantay kasama ang kaniyang live-in partner.

Nakakaharap rin sa kaso ng kidnapping at serious illegal detention, subalit wala itong inaming pagkakasala. Bagkus, ayon kay Ballesteros, sinabi nitong mas ligtas siya kung nasa poder siya ng kapulisan.

BASAHIN RIN: Siya nga ata ang isinakay: Hibla ng buhok, dugo sa inabandonang SUV, sa nawawalang beauty queen malamang—pulis

“He voluntarily submitted himself [para sa imbestigasyon]. If there will be an investigation, he will be available. He is not hiding, he is willing [na makipagtulungan],” ani Ballesteros.

Nasa restrictive custody rin ng Philippine National Police si de Castro, na diumano’y dating nobyo ni Camilon.

Huling nakita sa Batangas si Camilon noon pang Oktubre, subalit hanggang ngayon ay wala pang ideya ang mga awtoridad kung nasaan siya o kung buhay pa.

BASAHIN RIN: Nasaan na nga ba siya? PNP, wala pa ring ‘proof of life’ sa nawawalang beauty queen