Misis ni Degamo, natuwa sa pagkaaresto kay Teves

Labis na nagalak si Pamplona Mayor Janice Degamo na sa wakas ay naaresto na si Arnolfo Teves Jr, ang tinuturong mastermind sa pagpaslang sa kanyang mister na si dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Janice, masaya ang kanilang pamilya na nadakip na ng awtoridad si Teves matapos itong magtago ng halos isang taon sa ibang bansa.

“Matagal tagal kaming nag dasal at nag hintay na talagang this day would come and praise God po, na talagang na-huli na talaga siya,” wika ng misis ng pinaslang na governor.

“Wala kaming mapaglagyan ng aming tuwa. We’re really happy about this development,” aniya pa.

Nadakip si Teves sa Timor Leste sa pinagsanib na pwersa ng local police at International Criminal Police Organization (Interpol).

Batay sa pahayag ng Department of Justice, nakorner si Teves sa isang golf range sa Dili, Timor Leste.

Haharapin nito ang ilang counts ng murder sa Pilipinas.

“I think it would be enough for us to be able to see him in jail and once and for all prove that the jail is for everyone,” saad ni Janice.