Miscommunication lang: Francine Diaz, Orange and Lemons nagkaayos na

Nilinaw ni Francine Diaz at ni Clem ng Orange and Lemons na nagkaayos na sila matapos ang kontrobersyal na pagsingit umano ng aktres sa stage sa ginanap na event sa San Jose, Occidental Mindoro.

Nilinaw ni Francine Diaz at ni Clem ng Orange and Lemons na nagkaayos na sila matapos ang kontrobersyal na pagsingit umano ng aktres sa stage sa ginanap na event sa San Jose, Occidental Mindoro.

Sa panayam ni MJ Felipe, naikwento ng dalawa kung ano talaga ang nangyari sa mga video na kumalat sa social media kamakailan lang.

Ayon kay Clem, masyado umanong mabilis ang naging pangyayari. Subalit, nilinaw nito na nakahingi na siya ng paumanhin at naipaliwanag na rin niya ang kanioang side bilang banda.

Aniya, hindi lang umano nagkaintindihan ang dalawang panig at ito ay miscommunication lang.

“Ambilis ng pangyayari. I explained my side. They explained their side. And we found the root cause of the problem—it’s miscommunication,” pahayag ni Clem.

Sumang-ayon naman si Francine at sinabing nagkaayos na sila ng banda: “Okay na po kami ni Sir Clem. Okay naman na po, nagkaayos naman na.”

“I should’ve acknowledged them. But because of intimidation, hindi ko po alam ‘yung gagawin ko,” she confessed.

“Nag-apologize din po ako kay Sir Clem, kasi kahit hindi ko po intention na mag-disrespect, ganun po ang nangyari. Ganun ‘yung naging kalabasan,” dagdag pa ng aktres.