Mindanao congressmen kinontra pagkalas ng Mindanao sa PH!

Mariing tinutulan ng 53 kongresisa mula sa Mindanao ang suhestiyon na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Mariing tinutulan ng 53 kongresisa mula sa Mindanao ang suhestiyon na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Sa isang manifesto na isinapubliko ni Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo, inihayag ng mga mambabatas ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at sa kampanya nitong pagkakaisa.

“Our stance is deeply rooted in our belief in national unity, the power of inclusive development, and the promise of a peaceful, progressive future for all Filipinos, including the indigenous people of Mindanao,” anang mga kongresista.

Kamakailan ay inilatag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang unang Mindanaoan president ng bansa, ang ideya ng paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Kasunod ito ng gusot sa pagitan ng mga Duterte at kaalyado ni Pangulong Marcos.

Agad naman itong kinontra ng ilang opisyal ng national government at ilang pamahalaang lokal sa Mindanao, pati na rin si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) chief minister Ahod Ebrahim.

Anila, hindi sagot ang dibisyon at pagkakawatak-watak upang tugunan ang mga problema sa Mindanao.

Kailangan anila ng pagkakaisa, na siyang pangunahing itinutulak ng administrasyon ni Marcos.

Sinegundahan naman ito ng mga Mindanao Representatives at nanawagan sa iba pang Mindanaoans na makiisa at sumuporta sa gobyerno.

Pinuri rin ng mga mambabatas ang mga hakbang at plano ni Marcos para sa Mindanao.

“The path to a prosperous Mindanao lies not in secession but in unity, inclusive growth, and the relentless pursuit of peace,” saad ng mga kongresista.

“We call upon our fellow Mindanaons, Filipinos across the nation, and the international community to join us in supporting a united, equitable, and thriving Philippines,” dagdag ng mga ito.