Military personnel, bawal na gumamit ng TikTok

Pormal nang ipinagbabawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng social media app na TikTok sa mga tauhan nito.

Pormal nang ipinagbabawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng social media app na TikTok sa mga tauhan nito.

Ito ang ibinunyag ni AFP spokesperson Col. Francel Padilla sa podcast ng batikang reporter na si Howie Severino.

Ayon kay Padilla, na isa ring cybersecurity expert at kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng AFP, sakop ng ban ang lahat ng gadget ng mga tauhan ng militar, personal man o gamit sa trabaho.

“Sa AFP, banned na po siya… We have a directive that we are not allowed to use TikTok. So, we follow it to the letter,” ani Padilla.

Ang TikTok ay produkto ng ByteDance sa Beijing na itinatag ng Chinese citizen na si Zhang Yiming noong 2012. Inilunsad ang TikTok sa China noong 2016, at sa overseas noong 2018.

Marami nang bansa ang nagdeklara ng ban sa micro-vlogging at e-commerce platform na ito dahil sa hinalang pinang-e-espiya ito ng China.