Military camp commanders inatasang magtipid ng tubig bunsod ng El Niño

Inatasan ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr., ang lahat ng military camp commanders sa buong bansa na magtipid ng tubig bilang pakikiisa sa hakbang ng pamahalaan kontra sa mga epekto ng El Niño.

Inatasan ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr., ang lahat ng military camp commanders sa buong bansa na magtipid ng tubig bilang pakikiisa sa hakbang ng pamahalaan kontra sa mga epekto ng El Niño.

Ibinaba ng Kalihim ang kautusan sa ikalawang pagpupulong ng Task Force El Niño (TFEN) sa Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo, nitong Lunes.

Ang direktiba ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na gumawa ng mga hakbang para makapagtipid ng tubig at ang mga pinuno ng bawat military camps sa buong bansa ang dapat na magsilbing role model inisyatibang ito.

Ayon sa Kalihim, ang mga camp commander ay dapat manguna sa pagsiguro na maayos ang mga sirang tubo sa mga pasilidad ng militar para walang masayang na tubig.

Hinimok din ng kalihim ang mga miyembro ng militar at mga military dependents sa loob ng mga kampo na makiisa sa “whole-of-government approach” para maibsan ang epekto ng El Niño.

Base sa pagtaya ng PAGASA, 41 lalawigan ang kasalukuyang nakakaranas ng epekto ng El Niño.

Bagama’t, bumaba na ito mula sa inisyal na 50 apektadong lalawigan, napagkasunduan ng Task Force na may pangangailangan parin na palakasin ang mga hakbang ng pamahalaan dahil tatagal pa hanggang May 2024 ang tagtuyot.