Migz na-praning! ‘Loyalty check’ pinaikot sa Senado

Tila na-praning si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa umanong planong palitan siya bilang lider ng Senado.

Kasunod ng pagputok ng balita sa posibleng leadership change sa mataas na kapulungan nitong Lunes, isang resolusyon ang agad na umikot sa mga tanggapan ng mga senador para mangalap ng pirma na magpapakita ng suporta kay Zubiri.

Umabot sa 14 senador na ang pumirma sa “Statement of Support” para kay Zubiri.

Ito ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leaders JV Ejercito at Mark Villar, Sens. Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Grace Poe, Nancy Binay, Raffy Tulfo, Francis Tolentino, Christopher Go at Bato dela Rosa.

“We stand firm behind the leadership of Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, under whose guiding hand the Senate has maintained its dignity and independence as one of our nation’s greatest bulwarks of democracy,” saad ng Statement of Support ng mga senador.

Ibinunyag ni Senador Imee Marcos na may nilulutong pagpapalit ng liderato sa Senado, dahil sa “pressure” mula sa labas ng kapulungan.