Migs Nograles sa pagiging single: Bawal ba maging strong ang babae?

Naumay na si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Margarita "Migs" Nograles sa mga patutsadang kaya siya single ay dahil sa kanyang strong personality.

Naumay na si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles sa mga patutsadang kaya siya single ay dahil sa kanyang strong personality.

“Bakit kailangan may jowa ka para magsurvive sa mundo na ito? Na porket wala kang jowa, bawal ka na mabuhay at gawin lahat ng gusto mo at pangarap monsa buhay?,” tanong ni Nograles sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, May 15.

“Bawal na ba maging strong? Anong problema niyo sa pagiging strong sa buhay, lalo na pag babae? DI BA KAYA MAGING STRONG NG BABAE? krimen ba yon?? So pag lalaki strong, papalakpakan niya, pag babae ang strong, may shame factor?” dagdag pa niya.

Hindi naman na lihim na single ang kongresista na lagi niyang nababanggit sa kanyang mga online content.

Hinikayat pa niya ang kanyang mga followers na ibahagi rin ang kanilang mga naranasang diskriminasyon mula sa ibang tao tungkol sa pagiging strong independent woman.