Migs Nograles kay Imee: AKAP bakit ngayon mo lang kinuwestiyon?

Hindi maintindihan ng mga kongresista ang pagkuwestiyon ni Senadora Imee Marcos tungkol sa budget para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Hindi maintindihan ng mga kongresista ang pagkuwestiyon ni Senadora Imee Marcos tungkol sa budget para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ayon kay House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita ‘Migs’ Nograles, matagal nang napirmahan ang 2024 national budget ngunit bakit ngayon lang ito inilutang ni Imee.

“The GAA (General Appropriations Act) was signed in December. It’s almost the end of February, bakit ngayon lang kinukuwestyon ito? Dapat po especially during the bicam, if may talagang irregularities, this should have been raised as early as the discussions,” wika ni Nograles.

Aniya, nakakatakot na dinidikit pa ni Marcos ang AKAP sa people’s initiative para sa Charter change.

“Ang nakakatakot po dito, sa bawat na lang po na ayuda na binibigay po namin sa taumbayan na kasama po sa trabaho ng public officials, servants, bakit nire-relate dito sa PI (people’s initiative)?” dagdag pa ng mambabatas.

Sa ilalim ng AKAP, ang mga minimum wage earner ay makakakuha ng ayuda mula sa gobyerno.

Dati na ring nilinaw ni Ako Bicol party-list Rep Elizaldy Co, na chairman din ng House Committee on Appropriations, na hindi ginamit ang AKAP para sa PI.

“Dinudungisan po ni Senador Imee Marcos ang malinis na intensyon ng AKAP na tulungan ang mga kababayan nating may trabaho ngunit kapos ang kita,” dating wika ni Co.