Michelle Dee walang saplot sa cover ng lifestyle magazine!

Nagpakitang-gilas si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, sa kanyang latest bold at daring cover shoot para sa L'Officiel magazine.

Nagpakitang-gilas si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, sa kanyang latest bold at daring cover shoot para sa L’Officiel magazine.

Sa isang Instagram post ng L’Officiel magazine, ibinahagi nila ang mga litrato ni Michelle na walang suot na itaas. Makikita ang beauty queen na nakasuot ng itim na blazer at gintong alahas mula sa Tiffany & Co., na nagpapakita ng kanyang classy at sophisticated look.

Bukod dito, may mga litrato rin na ipinakita si Michelle na naka-suot ng isang chic na itim na dress at puting tank top, nagpapakita ng kanyang versatility sa pag-pose.

Ang buong photoshoot daw ay nakaayon sa theme na “authenticity” bilang paghahanda para sa darating na LGBTQIA+ Pride Month sa bansa.

“Thank you @lofficielph for giving me my BOLDEST cover yet,” saad ng Beauty Queen sakanyang post.

“Embracing my truth, owning my story unapologetically, and finding success in authenticity. I’m soooo proud to stand tall alongside all of you, All love always and HAPPY PRIDE.” dagdag pa niya.

Si Michelle ay proud bisexual at lubos niyang pinagmamalaki ang pakikiisa sa komunidad.

Nagbahagi si Michelle Dee ng emosyonal na kuwento nang lumapit sa kanya ang isang batang babae nang makauwi siya mula sa Miss Universe 2023 sa El Salvador

“She told me how my story helped her—not only embrace herself, but it helped her parents accept her too. The best thing about Miss Universe’ platform is really not the facade of things but the lives that you can touch and the unheard stories that inspire me everyday.” pahayag ni Michelle.

TINGNAN: