MIAA handa na sa pagdagsa ng pasahero ngayong Semana Santa

Plantsado na ang preparasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa inaasahang pagdumog ng mga pasahero sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport’s (NAIA) ngayong Semana Santa.

Plantsado na ang preparasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa inaasahang pagdumog ng mga pasahero sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport’s (NAIA) ngayong Semana Santa.

Ayon sa MIAA, sa Marso 24 hanggang 31 ay ilalarga nila ang OPLAN Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 upang tulungan ang mga pasaherong dadagaa sa mga paliparan.

“Our domestic operations, in particular, have been consistently surpassing pre-pandemic flight movement and passenger volume. We anticipate travelers taking advantage of exploring local destinations, the ease and convenience of air travel, summer airline promotions, or simply vacationing and being with family during this time,” wika ni MIAA General Manager Eric Ines.

“We are prepared for this influx at our terminals, especially as Holy Week coincides with summer, historically a peak season for air travel,” dagdag pa niya.

Sa pagtataya ng MIAA, lalagpas ng isang milyon ang mga pasaherong dadagsa sa NAIA sa buong Holy Week.

Sa unang 14 na araw ng Marso, pumalo na sa mahigit 1.8 milyon ang mga biyahero sa naturang paliparan. Nag-average ito ng mahigit 132,000 pasahero kada araw.