Mga trike driver sa Camalig aayudahan!

Makakatanggap ang mga rehistradong miyembro ng tricycle operators and drivers association (TODA) sa Camalig, Albay ng fuel subsidy mula sa pamahaalan.

Makakatanggap ang mga rehistradong miyembro ng tricycle operators and drivers association (TODA) sa Camalig, Albay ng fuel subsidy mula sa pamahaalan.

Nasa mahigit 800 na TODA drivers ang kwalipikadong makakakuha ng financial assistance.

Ayon kay Camalig Information Officer Tim Florece, layon ng subsidy na ito na mainsan ang pag-inda ng mga driver sa paglobo ng presyo ng langis.

Ang gagawing pamamahagi rin ay kabilang sa patuloy na pagsasagawa ng “Fuel Subsidy Program” o Pantawid Pasada Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kinakailangan lamang ay mayroong updated franchise at fare matrix sa loob ng kanilang sasakyan ang mga tricycle driver upang sila ay mabigyan ng schedule ng transfer o distribution ng subsidy.