Mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero, nabasahan ng sakdal

Naghain ng not guilty plea ang mga akusado sa pagkawala ng anim na sabungero sa Maynila noong nakaraang taon.

Naghain ng not guilty plea ang mga akusadong sangkot sa nawawalang mga sabungero sa Maynila.

Inihain ng anim na akusado na sina Julie Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla ang not guilty plea sa isinagawang arraignment nila sa Manila City Regional Trial Court Branch 40 noong nakaraang Huwebes, Setyembre 21.

Dinukot diumano ang mga sabungero noong Enero 13, 2022 sa Manila Arena. Naaresto naman sina Patidongan nito lamang Setyembre 15 sa isang operasyon sa Parañaque.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.

Ang susunod na pagdinig ay magaganap sa Oktubre 10, kung saan tatalakayin ng korte ang petisyon ukol sa pagpipiyansa ng mga akusado.