Mga solon kay Quiboloy: ‘Wag puro salita, humarap sa Kamara

Hinamon ng ilang mambabatas si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy na isabuhay ang kanilang panata na pagpapalaganap ng katotohanan sa pamamagitan ng pagdalo sa pagdinig ng Kamara.

Hinamon ng ilang mambabatas si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy na isabuhay ang kanilang panata na pagpapalaganap ng katotohanan sa pamamagitan ng pagdalo sa pagdinig ng Kamara.

Si Quiboloy ay pinapatawag ng Kamara upang harapin ang diumano’y paglabag ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa ilang bahagi ng prangkisa nito.

“You know this SMNI, every time they come out, they always boast about fighting for the truth and what’s right. So if they are for what’s true and what’s right, why not come here and share your side of the story. Why are you afraid, and why would you hide?” pahayag ni Deputy Speaker David Suarez.

“I mean, it begs a lot of questions when it comes to the integrity and sincerity of SMNI, of Kingdom of Jesus Christ, when it comes to the investigation of the legality of their franchise. So, my appeal to them, just be honest with your call for the truth. Show up here at the House of Representatives. You have nothing to be afraid of, we will even give you good food, just answer lawmakers’ questions,” dagdag pa ni Suarez.

Itinanggi na ni Quiboloy na may kaugnayan pa siya sa SMNI. Gayunman, dapat pa rin umanong harapin ng pastor ang imbitasyon ng Kamara, ayon kay 1-Rider party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez.

“That’s not new anymore, with all due respect to whatever sentiment they may have during the initial deliberations that we’ve had in the hearings of the committee […] but I think we have to understand that after multiple deliberations already, the committee has seen fit to actually invite Pastor Quiboloy,” ani Gutierrez.

“So, whether or not the reason will stand, we have to see as far as we’re concerned under Congress, the pastor needs to attend,” dagdag pa niya.