Mga senador pinalakpakan pagsasabatas ng ‘Eddie Garcia Law’

Ikinatuwa ng iang senador ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng Republic Act 11996 o ang "Eddie Garcia Law."

Ikinatuwa ng iang senador ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Republic Act 11996 o ang “Eddie Garcia Law.”

Layon ng batas na ito na protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa entertainment industry. Ito ay sa pamamagitan ng pagpilit sa kanilang mga employer na sundin ang mga minimum na pamantayan sa karapatan sa trabaho sa bansa.

Kabilang sa mga nagalak ay si Sen. Robinhood Padilla, naglingkod bilang pangunahing may-akda at kasamang tagapagtaguyod ng hakbang sa Senado.

Aniya, “A very good news came to us today. Eddie Garcia Law is now a law – Republic Act No. 11996. Thank you very much to our sponsor Senator Jinggoy Estrada and to my fellow Senators.”

Para naman kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, nagtaguyod din ng hakbang bilang chairman of the Senate labor committee, ang batas na ito ay nagbubukas ng daan para sa paglikha ng isang Movie at Television Tripartite Council upang mapadali ang pakikipag-usap at pagpapabuti sa industriya.

“Finally, we have a law that ensures better safety and working conditions for industry workers, regulates working hours, mandates welfare benefits, provides insurance coverage, and grants the right to collective bargaining. Additionally, it paves the way for the creation of a Movie and Television Tripartite Council to facilitate dialogue and improvements in the industry,” pahayag ni Estrada.

“Ngayon, may malinaw at makatarungan na mga patakaran na magbibigay na ng proteksyon sa kapakanan at karapatan sa trabaho ng mga manggagawa sa TV at movie industry,” dagdag pa nito.

Ang Republic Act 1196 ay napirmahan at naisabatas noong Mayo 24. Ito ay pinangalanan alinsunod sa yumaong aktor na si Eddie Garcia.