Mga resort gumanda na! Marcos pinuri Task Force Tawi-Tawi

Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint Task Force (JTF) Tawi-Tawi nitong Huwebes para sa kanilang serbisyo upang makamit ng pamahalaan ang kapayapaan sa Mindanao.

Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint Task Force (JTF) Tawi-Tawi nitong Huwebes para sa kanilang serbisyo upang makamit ng pamahalaan ang kapayapaan sa Mindanao.

Aniya, dahil dito’y muling sumigla at mas napalakas ang turismo at negosyo sa rehiyon na bigong naabot ng mga nakaraang administrasyon.

“Ngayon, imbes na naglalabanan, ang labanan ngayon dito pagandahan na ng resort. That is a very big achievement and the part that you played in that is a very major part. So congratulations for the good work and for a job well done,” sabi ni Marcos sa harap ng 2nd Marine Brigade at ng JTF Tawi-Tawi.

Dagdag niya, hindi pa tapos ang misyon dahil ang trabaho ng militar ay magpapatuloy upang panatilihin at itaguyod pa ang kapayaan sa gitna ng pag-unlad ng bansa.

“Kasama na ngayon sa mission natin ay ‘yung patuloy na peacemaking para bigyan natin ng pagkakataon ang mga fighters, ang mga dating fighters na magkaroon ng mas magandang buhay na hindi sila nakatago sa bundok, hindi sila laging gutom,” aniya.

“At tayo naman bilang pamahalaan ay gagawin natin lahat upang mabigyan sila ng pagkakataon para iwanan na nila ang kanilang mga armas, iwanan na nila ang kanilang kampo at magkaroon na sila ng magandang buhay,” dagdag ni Pangulong Marcos.