Mga reservist mabigat gampanin sa pagdedepensa ng bansa – Navy chief

Naniniwala ni Philippine Navy flag-officer-in-command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. na hindi dapat maliitin ang papel ng mga reservist sa pagtatanggol sa bansa.

Naniniwala ni Philippine Navy flag-officer-in-command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. na hindi dapat maliitin ang papel ng mga reservist sa pagtatanggol sa bansa.

Ito ang inihayag ni Adaci noong Sabado sa Batanes, kung saan 119 na Ivatan ang isinali sa reserve force ng Navy.

“The newly graduated PN reservists will help strengthen the defense of our northern maritime areas. They were trained and organized by the Naval Reserve Command headed by Maj.Gen. Joseph Ferrous S. Cuison, Naval Forces Northern Luzon, and the Naval Reserve Center Northern Luzon. They will also serve as force multipliers, boosting maritime security in Batanes. Additionally, they will assist in emergencies and calamities as needed,” pahayag ng Navy chief.

Ayon pa sa opisyal, ang mga Navy reservist ay makakatulong sa Active Archipelagic Defense Strategy ng sandatahang lakas, kung saan isa sa pagtutuonan ng pansin ay ang pagbabantay sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Their contributions are instrumental in enhancing maritime security and disaster response as they bring valuable civilian skills and knowledge to the naval organization,” dagdag pa ni Adaci.

Ang 119 na bagong Navy reservist ay sumailalim sa Basic Citizen Military Course Class 01-24, 02-24, at 03-24