Mga produktong Tatak Bikol, tampok sa ‘Saod Albay Ani’ trade fair ng DTI

Lumahok ang 20 grupong ng mga magsasaka at kooperatiba sa idinaos na trade fair ng DTI-Bicol

LEGAZPI CITY – Pormal ng binuksan nitong Miyerkules, September 20, 2023 ang ‘Saod Albay Ani’ Trade Fair ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol.

Lagpas 20 grupo ng mga magsasaka ang nakibahagi sa aktibidad tulad ng Quipia Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative at Masarawag Composite Farmers Association na bahagi ng Progressive Agrarian Reform Program ng DTI Bicol.

Tampok sa Saod Albay Ani Trade Fair ang iba’t ibang produktong tatak Bikol tulad ng native longganisa at organic fertilizers.

Bukas ang Saod Albay Ani Trade Fair hanggang Sabado, September 23, 2023 sa Ground Floor ng Ayala Malls Legazpi.

Samantala, nasa 12 trade fair ang target isagawa ng DTI bago matapos ang taon.