Mga produkto ng mga magsasaka, ibebenta sa Masbate police HQ

Madadagdagan ng oportunidad ang mga magsasaka dahil sa programang 'Agraryo Merkado' ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Madadagdagan ng oportunidad ang mga magsasaka dahil sa programang ‘Agraryo Merkado’ ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Abot sa 570 magsasaka at 19 na agrarian reform beneficiary ang makapagbebenta ng kanilang mga naani sa Masbate Provincial Police Office tuwing Huwebes.

Ayon kay DAR Masbate information officer Rosanne Zurbito, ang iba’t ibang produkto ay maaring ibenta sa naturang police headquarters tulad ng mga ani ng magsasaka, mga processed food item tulad ng suka, atsara, tocino, tapa at iba pa.

“The Agraryo Merkado is a project organized by DAR Masbate to help our farmer-beneficiaries earn more and promote their products in a wider and bigger market,” ayon kay Zurbito.

“There are no target sales, (it is) dependent on the disposal of goods of ARBOs every Thursday to ensure the freshness and quality of the products. The PNP headquarters will be open for the public to cater to other buyers,” saad pa.