Mga politikong tikom sa WPS isyu pero todo depensa kay Quiboloy, binatikos!

Binatikos ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippine Sea, ang mga pulitikong nanahimik sa isyu ng West Philippine Sea ngunit masyadong maingay sa pagtatanggol sa kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy.

Binatikos ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippine Sea, ang mga pulitikong nanahimik sa isyu ng West Philippine Sea ngunit masyadong maingay sa pagtatanggol sa kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ang pahayag na ito ni Tarriela ay kasunod ng pambabatikos ni Vice President Sara Duterte at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya sa paggamit umano ng “excessive” force sa paglusob sa mga ari-arian ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Tarriela na wala silang anumang komento noong May 19 resupply mission kung saan inagaw ng mga tauhan na sakay ng inflatable boats ng China Coast Guard (CCG) ang mga suplay na para sana sa mga tropa sa BRP Sierra Madre sa isang airdrop mission sa Ayungin Shoal.

“They never had any comments when the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Coast Guard were subjected to inhumane and barbaric harassment while carrying out a medical evacuation in Ayungin Shoal,” ani Tarriela sa isang X post

“However, when the mansion of the fugitive Pastor Quiboloy was surrounded by the Philippine National Police, they had lengthy statements and even criticized the police’s efforts to arrest him,” pagpupunto ni Tarriela.

Nitong Martes lang, binatikos din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y “overkill” o labis na paggamit ng lakas ng pulisya laban kay Quiboloy.

“I I find such [a] reaction paradoxical, and it makes one question where their loyalty and interests really lie,” ani Tarriela.

Samantala,si Duterte naman ay ikinasuhan ng crime against humanity sa International Criminal Court dahil sa madugong war on drugs niya na nagtulak sa pagkamatay ng libu-libong sibilyan.