Mga Pinoy seaman bawal na idaan sa Gulf of Aden, Red Sea

Inatasan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga manning agency na huwag isakay ang mga Pilipinong seaman sa mga barko na dadaan sa Gulf of Aden at Red Sea.

Inatasan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga manning agency na huwag isakay ang mga Pilipinong seaman sa mga barko na dadaan sa Gulf of Aden at Red Sea.

Sa kautusan na inilabas ng DMW, kailangang mag-isyu ng dokumento ang mga manning agency na titiyak na hindi dadaan sa mga nabanggit na karagatan ang mga barkong sasakyan ng mga Pinoy seaman.

Bukod pa rito, hinilingan din ng ahensya ang mga manning agency na isumite ang itinerary ng kanilang biyahe.

Ito ang hakbang ng DMW matapos masawi ang dalawang Pilipino sa pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa barkong True Confidence noong nakaraang buwan.

Ang Gulf of Aden at Red Sea ay naging delikado sa mga barko kasunod ng digmaan sa pagitan ng Palestine at Israel.