Mga Pinoy sa Taiwan ligtas sa magnitude 7.2 na lindol

Wala pang naitatalang nasawi o nasaktang Pilipino ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) kaugnay ng magnitude 7.2 lindol na yumanig sa Taiwan ngayong Miyerkoles.

Wala pang naitatalang nasawi o nasaktang Pilipino ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) kaugnay ng magnitude 7.2 lindol na yumanig sa Taiwan ngayong Miyerkoles.

“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,” saad ni MECO chairman Silvestre Bello III.

Patuloy na naka-monitor ang MECO sa kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa.

“Sa awa ng Diyos ay maayos naman ang ating mga kababayan. Wala pa tayong reported as of now na any injuries or casualties among Filipinos, as reported by our Filipino community leaders,” wika ni MECO deputy resident representative Alice Visperas sa panayam ng Super Radyo dzBB.

“Ang atin ding mga empleyado dito ay maayos naman ang kalagayan,” dagdag pa ni Visperas.

Ayon pa kay Visperas, nasa 150,000 ang mga Pilipino sa Taiwan, kung saan higit 66,000 ang overseas Filipino workers.