Mga Pinoy pinaalalahanan: ‘Wag paloko sa diversionary tactics ng China

Nagbigay ng paalala si National Security Adviser Secretary Eduardo Año ukol sa pagtatangka ng China na magdulot ng pagkakahati at kaguluhan sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Nagbigay ng paalala si National Security Adviser Secretary Eduardo Año ukol sa pagtatangka ng China na magdulot ng pagkakahati at kaguluhan sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).

“We call on all Filipinos to stand their ground and push back against these maligned and corrosive narratives that seek to undermine the national interest,” pahayag ni Año.

“We should not fall into a trap, which clearly shows and seeks to sow division in our country and weaken our resolve in asserting our sovereignty, sovereign rights and jurisdiction in the West Philippine Sea,” dagdag pa nito.

Binigyang diin ni Año na sinabi ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na ang administrasyon ay walang kinalaman sa “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Aniya, kung sakaling mayroon man nito ay maaari pa itong bawiin sapagkat nakakompromiso nito ang pambansang interes at pinapababa ang Saligang Batas.

“Moreover, any such agreement, if proven to be true, is inimical to the national interest and the Constitution. If there is such agreement, it is the responsibility of those responsible for it to explain it before the Filipino people. But it is not and will never be binding upon this administration,” saad pa ni Año.

Samantala, sinabi naman ni National Security Council Assistant Director Jonathan Malaya na ang isyu na ito ay walang iba kundi diversionary tactics ng China upang pagkaguluhin ang gobyerno at publiko.

“Obviously, itong mga ganitong statement ‘no, has the purpose of pagsabungin iyong ating mga leaders at pagsabungin iyong ating mga kababayan. Ultimately the objective of all of these propaganda narratives coming from both Beijing and the Chinese Embassy is to create cracks and division among the Filipino people – and kapag may cracks and division na, that will weaken the resolve of our government,” wika ni Malaya.