Mga Pinoy pang-apat sa pinakamagastos sa concert sa Asia-Pacific

Lumabas sa survey ng digital payment company na Visa na ikaapat ang mga Pilipino sa buong Asia-Pacific pagdating sa paggastos sa mga concert.

Lumabas sa survey ng digital payment company na Visa na ikaapat ang mga Pilipino sa buong Asia-Pacific pagdating sa paggastos sa mga concert.

Batay sa online survey na isinagawa mula Mayo hanggang Hunyo nitong 2023, 38% ng mga Pilipino ang nagsabing dumalo sila ng concert sa huling 12 buwan, mapa-lokal man o sa ibang bansa.

Pang-apat ang Pilipinas sa listahan, na pinangunahan ng India (45%), at sinundan ng Vietnam (41%), at Indonesia (40%).

Napag-alaman din ng Visa na 37% sa mga Pinoy respondent ay nagpunta pa ng ibang bansa para lamang manood ng concert.

Sa ulat ng GMA News, sinabi ng sociologist na si Samuel Cabbuag na ang pagdalo ng mga tao sa concert ay pagpapakita lamang ng kanilang pagsuporta sa kanilang mga idolo.

“‘Yung ganoong willingness to consume, ‘yung willingness na maglabas ng pera, shows na may kahalagahan ‘yung papanoorin nila, and for them, it’s worth the price,” wika ni Cabbuag.