Mga Pinoy na magbababoy target gumiba ng Guinness world record!

Pinaghahandaan na ng National Federation of Hog Farmers, Inc. (NatFed) ang paggiba ng Guinness World Record na may kinalaman syempre sa baboy.

Pinaghahandaan na ng National Federation of Hog Farmers, Inc. (NatFed) ang paggiba ng Guinness World Record na may kinalaman syempre sa baboy.

Ayon kay NatFed vice president Rodolfo Ona Jr, ang pag-break sa Guinness record ay gagawin kasabay ng Hog Festival 2024.

Ito’y gaganapin mula March 1 hanggang 5 sa Cubao, Quezon City at sa Marikina.

Nais gibain ng NatFed ang pinamakaraming nalutong putahe na baboy ang pangunahing sangkap.

Ayon sa NatFed, abot sa 415 pork dishes ang balak nilang ihanda para sa world record.

“With the help of the QC government, yung tourism department ng QC, talagang pinapakita natin na buhay, vibrant ang ating local industry with the support ng mga establishments dito sa QC, yun pa lang malaking bagay na sa atin para makita na healthy at masaya ang industriya ng pagbababoy.” ayon naman kay Samahang Industriya ng Agrikultura executive director Jayson Cainglet.