Mga Pinoy mas suportado Marcos kaysa sa mga Duterte – OCTA survey

Lumabas sa isang survey na mas maraming Pilipino ang nakasuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaysa sa pamilya Duterte.

Lumabas sa isang survey na mas maraming Pilipino ang nakasuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaysa sa pamilya Duterte.

Sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA research, lumitaw na 31 percent ng mga Pilipino ang aprub sa pamamahala ng Marcos administration.

Mas mataas ito kumpara sa 20 percent na nakuha ng mga Duterte at mga kaalyado nito.

Sa NCR nakakuha ng 43 percent si Marcos habang pinakamababa naman ang suportang nakuha nito sa Mindanao na may 17 per5cent.

Angat din si Marcos sa Class D na may 32 percent, habang 27 percent naman siya sa Class ABC.

Sa Class E naman o ang ‘poorest of the poor’ mataas ang mga Duterte na may 30 percent.

Abot sa 1,200 respondent ang sumagot sa survey. May margin of error ito na ±3%