Mga Pinoy ligtas sa pamamaril sa concert sa Russia – DMW

Walang Pilipino na nadamay sa pamamaril ng ilang gunman sa isang concert hall sa Russia noong Biyernes, March 22.

Walang Pilipino na nadamay sa pamamaril ng ilang gunman sa isang concert hall sa Russia noong Biyernes, March 22.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), walang napaulat na nasawi o nasugatan na Pinoy sa naturang terror attack sa Crocus City Hall concert venue.

“We received information from Usec. Ed de Vega of the @DFAPHL that no Filipino was hurt in the latest terrorist attack in a concert hall in Moscow,” ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

Samantala, pinuyuhan naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Terisita Daza ang mga Pinoy sa Russia na mag-ingat kasunod ng pag-atake sa Moscow.

Nakiramay din ang DFA sa pamilya ng mga nasawing biktima.

“We extend our deepest condolences to the bereaved families and wish the injured people speedy recovery,” ayon sa DFA.

Sa report ng CNN, abot na sa lampas 130 ang nasawi dahil sa pag-atake sa concert hall.

Inako ng teroristang grupo na ISIS ang pamamaril sa Russia, kung saan nasa kustodiya na ng pulisya ang tinuturong apat na gunman.